top of page

Wika

at Buhay

                

                  Mga Inaral:

      

   -Mga uri ng Talambuhay(Biography):

       A) Talambuhay(Biography)

       B) PansarilingTalambuhay(AutoBiography)

    -Tula(Poem)

    -Kwentong Komiks(Comics)

    -Diyalogo(Dialogue)

    -Talaarawan(Diary/Journal)

    -Mga uri ng Tayutay:

       A)Simili-Simile

       B)Metapora-Metaphor

    -Maikling Kwento(Short Story)

Ang aking maikling istorya

Takbo Pedring!

          Si Pedring ay isang batang ipinanganak sa Tondo Maynila noong Enero 20, 1989. Ang tatay ni Pedring, si Mang Kaloy ay isang barker ng dyip; Isang daan kada araw lamang ang kanyang kinikita. Ang nanay naman ni Pedring, si Aling Constalasyana ay tagalako naman ng mangga na di gaanong hinog at hindi rin gaanong hilaw, yoong tama lang; Dalawang daan naman ang kanyang naiimpok kada araw. Mahirap lamang ang pamilya nina Pedring kaya naman kinakailangan na niyang magtrabaho sa kanyang murang edad. Siya ay tumutulong sa kanyang nanay na magbenta ng mangga. Bata pa lamang si Pedring ay gusto na niyang maging isang runner. Pinapanood niya noon si Mang Kaloy (ang kanyang tatay) na sumali sa mga paligsahan ng pagtakbo. Sunod sunod na medalya ang kanyang naipanalo noong araw, itinawag siyang “Kaloy Kidlat” dahil sa bilis niya.

 

Nagkaroon ng paligsahan sa pagtakbo ang eskwelahan nina Pedring, sabik na sabik si Pedring para dito kaya siya ay agad na nagsanay. Dumating ang araw nang kanilang paligsahan. Si Pedring ay nasa pinaka unahan sa mga tatakbo. Noong una ay minamaliit pa siya ng kanyang mga kaklase dahil nakapaapaa lamang siya. Pagtunog ng putok ng baril tumakbo agad si Pedring nagulat ang mga tao sapagkat napakabilis nito. Nanguna si Pedring sa kanyang mga kalaban, at sa loob ng Isa’t kalahating minuto ay naipanalo na niya ang una niyang medalya.

 

Hinalikan si Pedring ng kanyang nanay at tatay; “Ang bilis mo Pedring, baka kasing bilis mo ang tatay mo nung araw?” Sabi ng kanyang nanay, “Tama ang nanay mo, pero hanggang baka lang ha.” pabirong sinabi ng kanyang tatay. Bago sila nakaalis may isang lalaking lumapit kay Mang Kaloy, at ang sabi niya ay “Magandang hapon po, ako po si Simeon Barambangsabang, isa po akong ‘Sports Agent’, nakita kop o kung gaano kabilis tumakbo ang inyong anak at gusto ko po siyang isali sa aming ‘Grand Run Race Competition’ sa darating na Taon.”. “Payag ka ba diyan Pedring?” ang tanong ni Mang Kaloy sa kanyang anak. “Oo naman po!” ang sabi ni Pedring. “Ang mananalo sa paligsahan ay makakakuha Isang Daang Libong Piso.” ang sabi ni Simeon, at ang sagot naman ni Pedring “Kung ganoon bukas na bukas ay mag eensayo na ako.”. Lumipas ang isang taon, dugo at pawis ang ipinuhunan at karanasan ang inani. Dumating ang araw ng paligsahan, si Pedring ay hasang hasa na sa pagtakbo at napakalaki ng kanyang ibinilis sa loob ng isang taon. Sa kabilia ng lahat ng hirap na kanyang dinanas sa taan ng kanyang buhay ay sinikap pa rin niya na magtagumpay bilang isang runner at iangat ang buhay ng kanyang pamilya.

 

Pag dinig niya sa tunog ng putok ng baril agad siyang tumakbo, at sa sobrang bilis nito ay napaso ang kanyang mga paa. Ngayon, sa loob ng tatlumpung segundo nakamit na niya ang medalya na kanyang inaasam- asam. Napakatamis ng kanyang pagkapanalo, sapagkat kasama ng medalya ay ang tseke na nagkakahalaga ng Isang daang libong piso. Sa tuwa ni Pedring ay inilibre niya ng tig iisang lechon ang lahat ng tao sa kanilang barangay, sa kanyang eskuwelahan, kanyang mga kaibigan, kapamilya, yuong mga nanood ng paligsahan, at pati narin ang mga tao sa lechunan na kanyang pinagbilhan. Laking gulat ni Pedring nang malaman nito na naigastos na pala niya ang lahat ng pera na kanyang naipanalo sa “Grand Run Race Competition”, at hindi man lang siya nakabili ng sapatos, ni tsinyelas man lang eh wala. Laking pagsisisi ni Pedring ang kanyang pagiging wagas sa pera, pero doon siya natuto na hindi iyon magandang asal. Kaya naman sa mga sumunod na mga panalo niya eh nagbago na ang kanyang pagiisip sa pera. Naging mas ma tipid pa siya at hindi lang iyon, nakapag simula pa si Pedring ng sarili niyang negosyo, ang "Pedring's Lechunan" na patok na patok sa kanilang baranggay. At iyon ar istorya ng buhay ni Pedring. 

 

 

 Ang Wakas

bottom of page