
The
SITE
ETHAN
Kay ganda ng Wikang Filipino




Laking' pasalamat ko kay
Jose P. Rizal (ang Pambansang Bayani ng Pilipinas), sa kanyang sulat na librong-nobela; ang Noli Me Tangere; at kay Virgilio S. Almario (ang may salin sa bersyon na aking binasa). Dahil sa kanila'y gumaling ako ng husto sa aking pagsalita, at pagsusulat ng wikang Pilipino. Tama nga naman kung tatanungin mo, dapat lamang na ako'y marunong mag Pilipino, sapagkat ako'y isang Pilipino.
Gaya nga ng aking sinabi, ako'y gumaling ng husto sa aking pagsusulat. Kaya nga nama'y gusto kong ipakita sa inyo ang dalawang munting produkto ng aking pag susulat sa Pilipino. Sa saling' ito ng Noli Me Tangere, Mayroong taong na ibinibigay sa wakas ng bawat kabanata.
​
Patawarin ninyo kung napadami ako ng sulat sa mga munting tanong. Ako'y natuwa lamang sa pagsusulat ng Pilipino. Sana'y magustuhan ninyo ang aking komposisyon:
Noli Me Tangere
-Kabanata 1 > Isang Pagtitipon
Gabay na Tanong:
“Ano-anong mga kultura, pananaw, at uri ng tao ang nagtipon sa mga dekorasyon, personalidad, at pinag usapan sa bahay ni Kapitan Tiago?”
- “Sa unang kabanata ng storya ng “Noli Me Tangere”, napaka kulay ng mga ipinakilalang mga tao! Sa munting salo-salo sa bahay ni Kapitan Tiago, makikita ang mga tao’ng may mga iba’t ibang paniniwala, ngunit kung tatanungin, nakararami sa kanila’y, Katoliko.
Iba’t ibang klase ng mga prayle ang pumuno sa salo salo, katulad ng mga Dominiko, Agustino, at pati na rin ang mga Pransisko. Mayroon din mukhang mistikong, mga mongheng intsik. Sa bahay ni Kapitan Tiago, makikita mo ang mga tao’ng may iba’t ibang lahi; mula sa mga katutubong Pilipno, mga respetadong Europeo, at mga matatalinong intsik, masasabing ang pagtitipong ito’y, isang:
“Vals de las Nacíones”, o’ “Waltz of the Nations”.
Babae o’ Lalake, matanda o’ bata, kilala o’ hindi, mayaman o’ mahirap, sibilyan o’ katas-taasang Heneral ng militar, naririto sila sa bahay ni Kapitan Tiago.
​
-ETHAN
- “Sa kabanatang ito, ipinakilala sa atin si: Don Crisostomo Ibarra, ang mahal na anak ni Don Rafael Ibarra.
Isa siyang magiliw na binata, malusog, at hindi mayrong hindi pangkaraniwang tangkad. ‘Kaakit-akit’ na kayumanggi ang kulay ng kanyang balat, dulot kuno ito ng kanyang lahing Espanyol (ngunit kung ako ang tatanungin, ito’y galling sa kanyang dugong Pilipino. Hindi ba’t kayumangi naman ang mga Pilipino?).
Mamula-mula ang kanyang dalawang’ pisngi, dulot naman ito ng walong taon niyang paninirahan sa malamig na bansang dayuhan. Makikita mo, na atat, na atat si Don Crisostomo Ibarra’ng makihalubilo sa kanyang mga kapwa Filipino; ngunit dahil hindi siya maingat, ilang beses din siyang napahiya bago niya nahanap ang pagsasalong’ matagal na niyang’ inaasam-asam.
​
-ETHAN
-Kabanata 2 > Si Crisostomo Ibarra
Gabay na Tanong:
“Ano ang malalaman natin ukol kay Don Crisostomo Ibarra sa mga nakita, at narinig sa kabanatng ito: sa kanyang hitsura, sa mga sinabi niya, sa mga sinabi/reaksyon sa kanya, at mga sinabi ukol sa kanya?”