top of page

     FILIPINO

     Ang aking mga inaral sa Pilipino ngayong quarter ay tungkol sa:

     

     1)Iba't ibang mga Salawikain at Kasabihan

     2)Ang Nobela

     3)Mga Kuwentong Bayan 

     4)Ang Bugtong

     5)Ang Talumpati

     6)At ang pagsusulat sa Baybayin/Alibata

​

       Ang aking pinaka gusto sa lahat ng aking inaral tungkol sa Pilipino ay ang pagsusulat sa Baybayin. Ang Baybayin o Alibata ay ang orihinal na paraan na

pag-sulat ng wikang Pilipino. Katulad ng mga bansang: Tsina, Japan, Thailand, at iba pa, ang Pilipinas ay mayroon ding "Sariling Paraan ng Pagsulat".

 

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

​

   

 

 

     Ang orihinal na alibata ay mayroong labing-pito na letra, at ang modernong alibata naman ay mayroong dalawamput siyam na letra. Napakadaling aralin kung paano magsulat sa alibata sapagkat alam naman natin ang wikang Pilipino, napansin ko din na ang pagsusulat sa alibata ay mas madali sapagkat ito ay madalas na gumagamit ng mga tambalang patinig at katinig. Ang saakin, bilang Pilipino dapat nating mahalin ang mga bagay na tulad ng alibata, dahil ito ang mga bagay na nagbibgay kulay sa ating kultura, at mas lalo na sa ating "Pagka-Pinoy".

 

Kung salitang Ingles, alpabetong Ingles; Kung salitang Tsino naman, alpabetong Tsino; Kaya kung salitang PINOY dapat alpabetong PINOY din!

 

              "Ang Taong HINDI marunong MAGMAHAL sa sariling wika

                        ay MAS MASAHOL pa sa Malansang Isda!"

                                                                                     -Jose P. Rizal

 

 

 

This image is not my own. Im not sure who made this, but credit goes to you.

bottom of page