
The
SITE
ETHAN
MUSIC,ARTS
PHYSICAL EDUCATION
In Baguio we have a pretty large community of TMA families which is now a fully launched family co-op. Our parents talked about having a "TMA Baguio Buwan ng Wika" event which was easy considering this was our second event.
For a number of consecutive days and weeks we met up as families to make props and finalize everything. In our end as Highschoolers it was hard considering the part that we were left to make majority of the props while the younger ones were practing their dances. We had to conceptualize, film, edit, and finalize a bumper video. We also provided the live music for the presentations, and we ALSO had to choreograph the a number of historical tribal and non tribal classic filipino dances. When you think it can't get harder, well we were also left to Emcee the whole event in Filipino (at least we had scripts)(BUT THE SCRIPTS WERE REALLY HARD SINCE IT WAS WRITTEN BY MY MOM).
Anyways Im just really happy of the outcome of the event, sabi nga nila "Kasing tindi ng aanihin mo ang tindi ng pagbanat mo ng buto" jkkk.
Here are some pics:
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
|---|---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() | ![]() |
![]() |
Buwan ng Wika pictures
Buod ng
"Ibong Adarna"

Sa isang malayong palasyo ng Barbanya, nakatira ang haring Fernando, reyna Valeriana, at ang kanilang mga anak na sila prinsipe Don Pedro, prinsipe Don Diego, at prinsipe Don Juan. Isang araw nanaginip ang hari ng masamang panaginip na naging bunga ng kanyang pagkaroon ng malalang sakit. Dahil sa labis na hinagpis ng reyna Valeriana nagpatawag siya ng manggagamot. Dumating ang manggagamot at kanyang sinuri ang kalagayan ng, hari at kanyang sinabi "Isa lang ang pwedeng magpagaling sa hari, ito ay ang Ibong Adarna, pag nahuli ninyo ito ay iparinig ninyo ang awit ng Ibong Adarna sa hari at siya ay gagaling.".
At nagmadaling ipinadala ng hari at reyna ang kanilang panganay na anak na si prinsipe Don Pedro. Ilang bwan ang nakalipas mula noong umalis si prinsipe Don Pedro at nakita na rin niya ang Ibong Adarna na nakatayo sa tuktok ng puno. Ilang minuto palang ang nakalipas at nagsimula na itong kumanta at dahil sa ganda ng boses nito'y napatulog ang prinsipe. Pagkatapos ng pang-walong kanta ay nagsimula itong magbawas, at nangyari na nga ang katakot-takot na pangyayari. May kasabihan na kapag napatakan ka ng dumi ng Ibong Adarna ay ika'y magiging bato. At yun nga ang nangyari si prinsipe Don Pedro naging taong bato.
Taon na ang nakalipas at hindi pa nagbabalik ang prinsipe Don Pedro, at dahil doon ay ipinadala naman si prisipe Don Diego. Ilang buwan ulit ang nakalipas at nahanap rin niya ang Ibong Adarna pero nangyari ulit ang katakot-takot na pangyayari. Dahil sa sobrang ganda ng boses ng Ibong Adarna ay nakatulog din ang prinsipe at gaya ng nangyari sa kanyang kapatid siya rin ay napatakang ng dumi ng Ibon at siya ay naging taong bato. Malubha ang kalagayan ng hari at dahil dito ay namroblema ang reyna kung sino ang kanilang ipadadala para hanapin ang Ibong Adarna. Ayaw niyang ipadala ang kanilang paboritong anak na si prinsipe Don Juan. Ang hindi alam ng reyna ay alam ni prinsipe Don Juan na siya'y di papayagan kaya siya na lamang ay tumakas. Ilang buwan muli ang nakalipas at nahanap rin ni prinsipe Don Juan ang Ibong Adarna at dahil busilak ang kanyang kalooban bago siya nakalapit ay kinausap siya ng isang enkanto. Ang sabi ng enkanto sa kanya "Sa unang idlap ng hating gabi ang ibon ay gigising at kakanta ng walong kanta, sa bawat kanta ay dapat mong hiwain ang iyong braso at patakan ng katas ng dayap sa simula ng bawat kanta. At pagkatapos nitong kumanta ay iwasan mo ang kanyang dumi dahil kung hindi ay ikaw ay magiging taong bato. Ang tanging makakapagpagaling lamang sa iyo ay and tubig sa ilog na katabi ng puno ng Ibong Adarna.".
Sinunod ng prinsipe ang utos ng enkanto at kanyang nahuli ang Ibong Adarna, kanya ring napagaling ang mga kapatid gamit ng tubig mula sa ilog na katabi ng puno ng Ibong Adarna. Habang sila'y papauwi ay trinaydor si prinsipe Don Juan ng kanyang mga kapatid,. Kanilang binugbog si prinsipe Don Juan at iniwan para mamatay. Inuwi nila ang ibon at sinabi sa hari na patay na si prinsepe Don Juan. Pero noong kanilang pina-awit ang ibon, sinabi ng Ibong Adarna na "Kakanta lamang ako pag nandito na ang tunay na nakahuli sa akin!". Maswerte si prinsipe Don Juan dahil nakita siya ng isang tao na nagmalasakit at siya ay ginamot. Noong siya'y gumaling agad siyang bumalik sa kaharian ng Barbanya at dahil doon ay umawit narin ang ibon.Noong gumaling na ang hari ay kanyang isinumbong sa ama ang ginawang pagtatraydor sa kanya ng kanyang mga kapatid. Sa galit ng ama ay kanyang itinakdang ipapatay ang mga prinsipe, ngunit dahil mapagpatawad si prinsipe Don Juan ay kanyang pinatawad ang kanyang mga kapatid at sila'y nagpatuloy sa kanilang mga buhay.
Ngunit ilang araw palang ang nakalipas ay nakatakas ang ibon at dahil doon ay hinanap muli ni prinsipe Don Pedro ang ibon, saka naman siya sinundan ng kanyang mga kapatid. Noong sila na ay nasa gubat kinumbinse nila prinsipe Don Pedro at prinsipe Don Diego si prinsipe Don Juan na doon na lamang sila tumira sa gubat. Nakakita sila ng isang balon, bumaba dito si prinsipe Don Juan na may tali na ang may hawak ay si prinsipe Don Pedro upang siya ay maiakyat muli. Sa loob ng balon ay nakakita siya ng dalawang prinsesa, sina prinsesa Leonora at prinsesa Juana na inaalila ng isang higante at isang serpyente. Upang iligtas ang mga prinsesa ay pinatay ni prinsipe Don Juan ang mga halimaw at kanyang nailigtas ang mga prinsesa. Si prinsesa Leonora ay agad na nahulog ang loob para kay prinsipe Don Juan. Tinali ni prinsipe Don Juan ang mga prinsesa at saka tumawag sa mga kapatid para hatakin ang linya. Pag akyat nila ay nahulog ang loob ni prinsipe Don Pedro kay prinsesa Leonora, at si prinsesa Juana naman ay nahulog ang puso para kay prinsipe Don Diego, at gayon din si prinsipe Don Diego.
Dahil sa inggit binulag ni prinsipe Don Pedro si prinsesa Leonora ng pera at dahil doon ay kanilang iniwan si prinsipe Don Juan at bumalik ang apat sa Barbanya. Dahil dito ay labis na nalungkot si prinsipe Don Juan, nang siya ay nakalabas na sa balon ay kinausap siya ng isang matandang ermitanyo at sinabing meron pang mas magandang prinsesa kaysa kay prinsesa Leonora at ito ay si prinsesa Maria Blanca, na nakatira sa kaharian ng Delos Crystal. Ilang buwan ang nakalipas at nakita na din niya si prinsesa Maria Blanca at kanyang ipinagtapat ang kanyang pagmamahal sa kanya. Agad din na nahulog ang loob ni prinsesa Maria Blanca para kay prinsipe Don Juan. Ang sabi ni prinsesa Maria Blanca ay "Marami nang ginusto na hingin ang kamay ko para magpakasal pero sila'y ginawang bato ng aking amang si haring Salermo. Makikita ka niya pagka gising niya at ika'y tatanungin kung bakit ka nasa kaharian ng Delos Crystal, sabihin mo na gusto mong hingin ang kamay ng anak niya para magpakasal. Pag niyaya ka niyang pumasok sa loob ng palasyo tumanggi ka dahil ikay papatayin niya. Sabihin mo na gagawin mo ang kahit anong utos niya para makuha mo ang kamay ng anak niya para magpakasal. At ako na ang bahalang gumawa ng kanyang mga utos.". Pagkatapos ng ilang buwan ay nagawa na ni prinsipe Don Juan ang lahat ng utos ng haring Salermo sa kanya at pinayagan na niya sila na magpakasal. Ngunit isinumpa niya si prinsipe Don Juan na pag tumingin siya sa ibang babae habang siya ay humihingi ng paalam sa kanyang ama ay mabubura ang ala-ala niya kay prinsesa Maria Blanca, at mamamatay ang haring Salermo.
Umuwi nga siya para magpaalam sa kanyang ama pero pag dating niya doon ay linapitan si ni prinsesa Leonora at dahil doon ay bigla ngang nabura ang ala-ala niya kay prinsesa Maria Blanca. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni prinsesa Maria Blanca sa pagkamatay ng kanyang ama at pagka bura ng ala-ala ni prinsipe Don Juan sa kanya. Sa Barbanya naman ay itinakda nang ikasal si prinsipe Don Juan kay prinsesa Leonora pero bago sila ikinasal ay bumalik ang alaala ni prinsipe Don Juan sa tulong ni prinsesa Maria Blanca. Dahil doon ay ikinasal na si prinsipe Don Juan kay prinsesa Maria Blanca at sila ay bumalik sa kaharian ng Delos Crystal para doon ay mamuno. Laking saya naman ni prinsipe Don Pedro dahil napasakanya na si prinsesa Leonora at sa kanya narin ipinamuno ng haring Fernando, reyna Valeriana, prinsipe Don Juan, at prinsipe Don Diego ang kaharian ng Barbanya. Huli ay ikinasal na din si prinsipe Don Diego at prinsesa Juana. At yaon ang storya ng Ibong Adarna.




























































